Laguna MotoClub
Welcome To Laguna MotoClub!
Enjoy Posting & Ride Safe!!!



 
HomeHomeRegisterLog in
Welcome to Laguna Moto Club Forum! Enjoy Posting.... !!!!

Share | 
 

 BINAGONG BUHAY

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
PIKON
LMC Certified
LMC Certified
avatar

Male
Number of posts : 489
Age : 44
Location : Hiway Homes, Platero, Binan / Batangas City
Registration date : 2008-12-02

20091030
PostBINAGONG BUHAY

Ito ay isang kwento patungkol sa isang tao na ang buhay ay binago ng Lord.

Siya ay isang napaka-yabang na tao. Gusto niya makaharap ang mga mayayabang para
yabangan pa. (ang lufet nito). Pakiramdam niya siya lang ang magaling, marunong at ang bida
sa lahat ng bagay.

Ang pananalita niya ay puno ng kasinungalingan, kalaswaan, at paninirang puri. Sa simula ng
kanyang salita ay may pagmumura muna at tatapusin niya ang kanyang pangungusap ng pagmumura din.

Grabe naiimagine niyo ba kung gaano kasama ito at kung gaano kayabang itong tao na ito.
Parang wala na pag-asa. Diretso ata ito sa impyerno (hehe).

Hanggat makakalamang e lalamangan ka nitong taong ito. As in madaya talaga kausap.

Nakupow, sa inuman, laglag na lahat siya tumatagay pa. kaya niya uminom simula 9 ng umaga
hanggang 9 din ng umaga kinabukasan. Nagkakasakit na nga sige pa rin ang inom.

At hindi lang yun, nag-drugs(shabu) pa at marijuana(chongkee).
Grabe wala pinaligtas na bisyo itong taong ito. Sigurado ako ninanakawan pa
niya ang kanyang mga magulang para lang makapagdrugs o inom.

May banda siya. (kaya naman pala, basta musician, haha hindi
naman lahat). Oo nagbabanda siya as in SEX DRUGS RAK EN ROLL. Kumpleto ang
kabulastugan nitong tao na to.

Pero one time in his life naisip niya na hindi niya basta
na-acquire yung talento na mern siya. Bigla niya naisip na meron nagbigay sa
kanya nito, si Lord. Kaya nabanggit niya sa band niya na one day gusto niya
ibalik k Lord whatever ang binigay niya na talento.

Makalipas ang ilang taon meron nag-invite sa kanya sa sa
isang Born Again na church na friend niya. Tinanong siya kung gusto niya ibalik
sa Lord yung talent niya at pumayag siya. Umatend siya hanggang nakilala niya
si Jesus. Meron pala plano ang
Diyos sa kanya hindi lang sa music. Hehe. Habang andun siya sa loob ng church,
hinipo siya ng Lord at napaiyak siya at nanalangin. Kinausap niya ang Lord.

This is his prayer:

LORD I WANT TO FOLLOW YOU. PERO LORD SOBRA DAMI NA NG MGA KASALANAN KO. SANA
MAPATAWAD MO PA AKO, HINDI KO KAYA MAGBAGO, HINIHILING KO LORD NA BAGUHIN MO
AKO. SANA TANGGAPIN MO KO KAHIT NA NAPAKARUMI KO. TINATANGGAP KITA BILANG
AKING DIYOS AT SARILING TAGAPAGLIGTAS. MAG-HARI KA SA BUHAY KO.

Simula ng makilala niya si Jesus, nung araw ding yun, 5 years na, hindi na siya naglalasing,
as in kahit tikim lang, wala na drugs, yosi, chicks, pati sa pananalita niya nawala yung mga
pagmumura. Patuloy siya naglilingkod sa Diyos hanggang ngayon.

Tunay nga na si Lord lang ang makapagbabago sa atin. Kailangan lang nating isuko ang
ating buhay sa Lord gaya ng ginawang pagsuko ng buhay ni PIKON sa Lord.

IKAW................Handa ka bang isuko kay Lord ang buhay mo?


Last edited by PIKON on Fri Oct 30, 2009 1:22 am; edited 1 time in total (Reason for editing : TYPOGRAPHICAL ERRORS)
Back to top Go down
http://motorcyclephilippines.com
Share this post on: Excite BookmarksDiggRedditDel.icio.usGoogleLiveSlashdotNetscapeTechnoratiStumbleUponNewsvineFurlYahooSmarking

BINAGONG BUHAY :: Comments

avatar
Re: BINAGONG BUHAY
Post on Sun Nov 01, 2009 9:01 am by Shogun31
Isang napakagandang patotoo. Isa kang inspirasyon Sir Jojo.
Sana makatambay at makausap ka na ulit ng grupo.
avatar
Re: BINAGONG BUHAY
Post on Fri Oct 30, 2009 9:44 am by Bubbles
very nice sir!
Re: BINAGONG BUHAY
Post  by Sponsored content
 

BINAGONG BUHAY

View previous topic View next topic Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Laguna MotoClub :: LMC Blog-
Jump to: