Laguna MotoClub
Welcome To Laguna MotoClub!
Enjoy Posting & Ride Safe!!!



 
HomeHomeRegisterLog in
Welcome to Laguna Moto Club Forum! Enjoy Posting.... !!!!

Share | 
 

 Ganito pala pakiramdam ng isang ama

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
driedmango
LMC Certified
LMC Certified
avatar

Male
Number of posts : 1267
Age : 38
Location : San Pedro, Laguna
Registration date : 2007-11-02

20091027
PostGanito pala pakiramdam ng isang ama

Salamat po sa Poong May Kapal at ako ay naging ganap na tatay na. Naipanganak ni sniper ang anak namin si JK kahit na nag agaw buhay sya. Nagkaroon kasi ng complication sa pagbubuntis si sniper. Pre-eclampsia ang tawag. Napaka delekado daw pala ninto at kadalasang nagiging cause ng kamatayan ng mga ina. Malaki talaga ang aking pasasalamat dahil pareho nang masigla ang aking mag ina. Nakaligtas na si sniper sa matinding peligro yun nga lang na CS talaga sya. 9 lbs po ang aming anak at napaka cute nya (para sa amin). Ang taba ng pisngi at napakabigat.

Ngayong nailabas na ang aming anak, magkahalong hirap at tuwa ang aking nadarama. Natutuwa kami sa tuwing makikita naming masigla ang amin anak. Nahihirapan naman tuwing hating gabi hanggang 6am ang gising nya.

Maraming salamat po sa lahat ng nanalangin sa kaligtasan ng aking mag ina. At maraming maraming salamat po sa ating Tagapaglikha.

Back to top Go down
Share this post on: Excite BookmarksDiggRedditDel.icio.usGoogleLiveSlashdotNetscapeTechnoratiStumbleUponNewsvineFurlYahooSmarking

Ganito pala pakiramdam ng isang ama :: Comments

avatar
Re: Ganito pala pakiramdam ng isang ama
Post on Sun Nov 01, 2009 9:07 am by Shogun31
Congrats sa inyong baby fafi Renz at mommy Edythe. Nadagdagan na naman ang mga apo ng LMC. Sana maging malusog si baby at sana makabisita kami dyan para masilayan namin. Cute nga kamukha mo!
avatar
Re: Ganito pala pakiramdam ng isang ama
Post on Thu Oct 29, 2009 7:29 am by ramlee
driedmango wrote:
Yun lang. Magugutom si baby pag breastmilk. Ang konti kasi. Hehehe. Salamat po sa advice. Binigyan lang kami ng nurse ng copy ng dos and donts nung na discharge kami from the hospital. Ako personally, di ko pa na meet yung pedia ni baby. Umalis kasi ako that time para bumili nung dumalaw pedia nya dun sa room. Ang sabi daw, medyo naninilaw kaya kailangan ipa araw 15 minutes sa umaga. pag ayaw mawala yung paninilaw, dalhin agad sa kanya. Ngayon ok na sya. Di na sya madilaw. Kulang nga lang talaga sa bilad sa morning sun.

Dami pa namin talaga dapat matutunan sa pag aalaga ng anak.




malunggay lang katapat nyan fafa.....luto ka ng tinolang manok lagyan mo ng sangkaterbang dahon ng malunggay sakto kasi malamig..ggrrrr......



tapos bili ka rin ng malunggay capsul ewan ko lang kung hinde yan dumami.



si sniper ko maliit lang na babae pero parang baka gumawa ng gatas!!!hehehehe kaya nya punuin ang isang litro sa isang session lang.
avatar
Re: Ganito pala pakiramdam ng isang ama
Post on Thu Oct 29, 2009 7:01 am by aries
congratz sir for your new baby....
avatar
Re: Ganito pala pakiramdam ng isang ama
Post on Thu Oct 29, 2009 5:20 am by driedmango
Yun lang. Magugutom si baby pag breastmilk. Ang konti kasi. Hehehe. Salamat po sa advice. Binigyan lang kami ng nurse ng copy ng dos and donts nung na discharge kami from the hospital. Ako personally, di ko pa na meet yung pedia ni baby. Umalis kasi ako that time para bumili nung dumalaw pedia nya dun sa room. Ang sabi daw, medyo naninilaw kaya kailangan ipa araw 15 minutes sa umaga. pag ayaw mawala yung paninilaw, dalhin agad sa kanya. Ngayon ok na sya. Di na sya madilaw. Kulang nga lang talaga sa bilad sa morning sun.

Dami pa namin talaga dapat matutunan sa pag aalaga ng anak.
avatar
Re: Ganito pala pakiramdam ng isang ama
Post on Thu Oct 29, 2009 3:31 am by ramlee
oo,..hinde ba diniscuss senyo ng pedia yan?kelangan talaga uminom ng water after nya uminom ng mommy milk o lata milk para hinde matigas yun fufu nya.


naku,baka hinahanap ng bebe mo ang amoy ng lola nya..dapat nagpaiwan ka ng damit nya na gamit(wag mo palabhan) yun ang itabi mo sa kanya para nafefeel nya ang presence ng lola nya.babies have keen sense of smell fafa.



buti nga 11pm-5am ang tulog nya,yung bunso ko, anak ng kamote natutulog ng 7pm gising naman cya ng 2am onwards na yun matutulog uli yun ng 7am kung kelan papasok na ako at puyat na puyat kakabantay kasi baka malaglag sa kama.whew!





and a piece of advice hangat maaari breast milk ang ipa-gatas mo sa kanya iba talaga pag gatas ng ina makakatipid ka na matibay pa si baby.pag sawa na si baby si daddy naman......ang lalambing ke mommy..


maganda raw na nilalambing ni mommy si baby habang pinapa-gatas nya ito it creates communication between them,kung baga,MU mutual understanding.




mukang baby learning corner na ito ah...hehe BTW fafa..kamuka mo si baby..
avatar
Re: Ganito pala pakiramdam ng isang ama
Post on Thu Oct 29, 2009 1:14 am by driedmango
thank you po sa lahat ng bumati.

@ramlee, oo nga, pabago bago oras ng tulog nya. pero averaging, 11pm hanggang 5am. Nag aalala nga kami ngayon. Wala na kasi lola ni baby (mother ko), umuwi muna ng province. Ayun, na miss ata ni baby lola nya. Iyak ng iyak, di namin maintindihan kung ano gusto ni baby. Palit na ng diaper, inom na ng gatas, hinehele na, pina dighay na, iyak pa din. Nung isang gabi lang na discover namin, pag nag pupupu sya, iiyak din pala pag medyo nahihirapan sya. After maka pupu, tumigil na din sa pag iyak. sabi daw kulang sa tubig, kaya ayun inom sya tubig in between meals (milk). Malakas nga lang sa diaper kasi ihi ng ihi at pupu ng pupu pero di na sya umiiyak pag nag pupupu.

hehehe. Nakakapagod pero masaya na nakakataranta. Mixed emotions na eh pero overall, happy kami ni sniper.
avatar
Re: Ganito pala pakiramdam ng isang ama
Post on Wed Oct 28, 2009 8:37 am by ramlee
wow!!!!




congrats papa!!!!wuhoooo!!tatay ka na rin!!

buti naman walang masamang nangyari sa mag-ina mo.isa yata sa pinakamasarap na pakiramdam ang pagiging isang magulang tatay/nanay.


ganyan talaga fafa..buti nga yan hinde pa nagtatatakbo at nangangalakyat kung saan-saan kagaya nung saken.

simula palang yan napakahaaaaaaaaaaaaaba pa ng lalakbayin nyong gabi at araw.nagbabago din naman ang sleeping time nyan parang shifting din sa work.hehehe


just keep capturing your baby's precious moments madaling lilipas yan the next thing you'll know malaki na pala cya..tsaka mo lang maitatanung sa sarili mo,.."teka,kahapon lang sumipsip lang ng gatas ang kaya mo ah..ngayon kaya mo na sabihin yung word na dada....dadda...daadddyyy...."hay ansarap ng pakiramdam..kahit pagod ka at masakit ang singit sa byahe parang nawawala habang niyayakap ka ng baby mo sabay sabi "i love you daddy/mommy!"

wishing you all good health.


regards sa sniper mo.
avatar
Re: Ganito pala pakiramdam ng isang ama
Post on Tue Oct 27, 2009 11:35 pm by mykl1103
Congrats po Sir sa inyong new baby at magpapasalamat po tayo sa maykapal na ligtas ang iyong mag ina.
Re: Ganito pala pakiramdam ng isang ama
Post on Tue Oct 27, 2009 10:37 am by Dong
Congrats po sa inyo Sir at Maam! Pareho po naging case ni sniper nyo at ni sniper ko. delikado po daw talaga yung pre-eclampsia. Thank God po at ok na po sila. Congrats po uli!
 

Ganito pala pakiramdam ng isang ama

View previous topic View next topic Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Laguna MotoClub :: LMC Blog-
Jump to: